Talisay City, Cebu – Nanguna ang mga tauhan ng Talisay Police Station sa pagbibigay ng School Supplies at Food Packs sa Brgy. Tangke, Talisay City, Cebu nito lamang Martes, Hunyo 7, 2022.

Sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Randy T Caballes, Chief of Police ng Talisay Police Station, matagumpay na naipamahagi sa mga mag-aaral ang mga school supplies na naglalaman ng pad paper, pencils, eraser, sharpener at ruler na kanilang magagamit sa pag-aaral.

Samantala, habang papunta ang mga kapulisan sa kanilang Istasyon, dumaan sila sa mga masisipag na manggagawa ng kalsada upang magbigay ng mga food packs na kanilang magagamit sa kanilang pang araw-araw.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Caballes, ang simpleng tulong na ito ng Talisay PNP ay nakapagbigay saya sa mga mag-aaral at upang pahalagahan ang mga manggagawa sa kanilang gawain at dedikasyon sa buhay.

Ang ganitong uri ng aktibidad ng PNP ay paraan upang matulungan at mas mapalapit ang puso ng mga mag-aaral at manggagawa sa organisasyon ng Pambansang Pulisya.