Tinatayang Php442,000.00 halaga ng shabu ang nakuha ng Cebu City PNP sa isinagawang buy-bust operation nito lamang Sabado, Mayo 14, 2022.

Kinilala ni PCol Ernesto Salvador Tagle, Acting City Director, Cebu City Police Office ang suspek na si Levi Abucay Planas, 19 taong gulang.

Ayon kay PCol Tagle, naaresto ang suspek bandang 5:45 ng hapon sa Sitio Naba, Brgy. Mambaling, Cebu City sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Station 11, Cebu City Police Office.

Ayon pa kay PCol Tagle, nakuha kay Planas ang mahigit-kumulang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP442,000.00.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 11, CCPO ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Hinihikayat ang mga mamamayan na suportahan at makipagtulungan sa PNP upang labanan ang paglaganap ng mga ilegal na droga na siyang sumisira sa ating lipunan at upang magkaroon ng tahimik at maayos na pamayanan.